Tuesday, April 10, 2012

Pag Tatapos.....BSIS 2008-2012

Hehe....Masaya ako ngayong mag tatapos na sa pag aaral ang aking mga naging kamag-aral.
Ang mga naging kaibigan ko ng apat na taon, ang ilan ay nakasama ko sa kalokoha at seryosong usapan, ang iba na nakatampohan ko dahil sa ilang maliit na bagay, at sa minahal ko at iginalang ng higit pa sa aking buhay..
Nakakatawa ngayong halos ako nalang ang natitira sa loob ng paaralan, kahit na marami parin akong magiging bagong kamag aral, iba parin ang nakamulatan mo na sa unang taon mo s kolehiyo.
Marami ng pag subok ang napag daanan nyo na mag kakasama, mga pag susulit na muntik na hinde maipasa kung hinde lang sa katabi mong matalino at higit na masipag kaysa sayo, mga pagbabalita(reporting) na kinailangan ng malakas at matinding pananalig sa ITAAS, kay tropang Google at kay pareng Yahoo...at unting tulong sa mas nakaka-alam na kamag-aral. at higit sa lahat ay ang mga SYSTEM PROPOSAL, TITLE DEFENSE at SYSTEM DEFENSE na talaga namang susubok sa katatagan, kaalaman, at tiwala mo sa sarili at sa iyong mga kasama na hangang ngayon ay nakabaon parin sa mga isip ng ilang estudyante na napahirapan ng husto(kasama ba ako dun??) hehe..
Pero salamat sa inyong lahat sa mga oras na ginugol nyo na kasama ako, sa mga tawanan, tampohan at higit sa lahat sa inuman hehe....Salamat Sa Inyo....