Wednesday, July 14, 2010

Patintero kay Kamatayan


Naranasan nyo nabang makipag patintero kay kamatayan(K)???
ano ba ibig sabihin ng tanong na yon?
wala kabang idea kung ano ba ibig sabihin ng pakikipag patintero kay K?
Madalas nyo tong nakikita sa bahagi ng maynila lalo na sa mga lugar ng Quezon ave, Commonwealth ave.
kung saan malalawak ang kalsada at maraming mamamayan ang araw-araw na pumapasok at sumasakay ng mga pang pasaherong sasakyan.

Pero ano ba talaga ang ibig sabahin ng patinterong ito?
Ang pakikipag patintero kay K ay hinde isang laro na masaya, hinde to tulad ng pakikipag patintero sa mga kaibigan at kapitbahay pero may pag kakatulad sila ng unti (ano kaya yon?)

Ang pakikipag patintero kay K ay isang dilikadong gawain.
tulad ng natural na larong patintero nahahati ito sa dalawang grupo ng manlalaro, ang isang grupo ay ung mga taya, at ang isa naman ay ang grupo ng mga tatayain( ang saya siguro kung kasali ka sa grupo ng mga tatayain hehehe) .

Panu ba nag sisimula ang patinterong ito?
Magsisimula ang patinterong ito oras na nakapwesto na ang mga manlalaro; ang grupo ng mga tatayain ay ang mga taong tatawid sa kalsada( kaw un) at ang grupo naman ng mananaya ay ang mga sasakyan na ibat-iba ang laki, kulay, hugis at bilis ng pag takbo.
pero ang masamang balita dito ay kapg nataya ka ng mga sasakyan na ito dalawa lang ang kahahantungan mo Emergency Room o Punerarya.

Marami sa ating mga kababayan ay sumasali sa larong ito dahil sa wala na silang ibang pag pipilian; ngunit may iba naman na sadyang matigas lang ang ulo at talagang gustong makipag laro kay K, na kahit na meron namang footbridge o underpass na maaaring gamitin ay nag jajaywalking parin.

Pero sana dumating ang araw na hinde na kailangang sumali sa larong ito ng mga taong napipilitan lang.

Yan ang Patintero kay kamatayan.....


Thank you for reading my blog.

Please follow my blog....just clickFOLLOW located at the right side of your screen..

1 comment: