Tuesday, August 17, 2010





JoKe! JoKe! Joke!

TALINU MU..

Battle of the brainless


Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines ?

Contestant: Niyog?

Host: Mas matigas pa diyan.

Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?

Contestant: Sa back?

Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).

Contestant: Likod?

Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito ( Rizal Park ).

Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)



Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?

Contestant: Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.

Contestant: Bubong?

Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.

Contestant: Beerhouse!



Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?

Contestant: Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan nito.

Contestant : Safeguard?

Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?

Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!



Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?

Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.

Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.

Contestant: Siyoke?



Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines ?

Contestant: Sunflower?

Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.

Contestant: Stork?

Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.

Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".

Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at
dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!



Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia ?

Contestant: Carole KING?

Host: Hindi, mas mababa sa king.

Contestant: Al QUINN?

Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.

Contestant: Armida Siguion-REYNA?

Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.

Contestant: BISHOP Bacani?

Host: Mas mababa sa bishop.

Contestant: Johnny MidNIGHT ?

Host: Mas mababa sa Knight.

Contestant: Jerry PONS?

Host: Oh, ay! an na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa

Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.

Contestant: Sylvia laTORRE!



Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500

Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)

Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".

Contestant: Guy Aunor?

Host: Hindi. Dati siyang Senador.

Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.

Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!



One more, dagdag:



Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines ?

Contestant: Kuto?

Host: Hinde. Clue, it tills the land.

Contestant: Kutong Lupa!


Source:
http://www.dyoks.com/jokes/joke.cfm?jokeid=25084

2 comments:

  1. sa bubble gang q ata 2 napanuod. ^_^ laughter is the best medicine, pampatanggal to ng stress.

    ReplyDelete
  2. pamiliar toh ahh,, hehehe,, nka2aliw p din aku,, ksama ng mga kaptid ku nung nbasa toh,, heheh..

    ReplyDelete