Sunday, August 22, 2010

Ano kaya ang nasa isip ni BOB-ONG


wala akong maisip kung ano ang isusulat ko ngaun
ilang oras na ang nasayang sa pag-iisip dito
ilang beses na namatay at nkapatay ang katabi ko
sa nilalaro nyang special force
ilang beses na nyang sinigawan ang kaibigan nya
dahil sa madalas na pakikialam nito sa nilalaro nya
ilang beses na rin syang napamura sa asar sa kalaban nya
dahil lagi syang napapatay ng walang kalaban-laban
at ilan beses narin syang sumilip sa monitor ko
para masilip lang ang ginagawa ko.

Ilang beses na pumapasok sa isip kong mag laro nalang ng flyff
para matuwa naman ako, makapag palakas ng unti
kasabay nito ay ang pag iisip na pede naman ako mag blog bukas
at mag laro nalang muna ngaun
ng bigla kung naisip ang writer na nag tatago sa ngalang BOB ONG
na kung iisipin ay karamihan sa mga nasulat nyang libro
ay mga pang yayaring bigla nalng pumapasok sa isip nya at
minsan ay walang kwenta pero nagiging maganda
at nakakasabik basahin.

Ano kaya ang nasaisip ni BOB-ONG?

No comments:

Post a Comment